Wednesday, August 18, 2010

Bituing Maningning

Bituin


Sa malawak na parang, nakahiga’t nagaabang,
Nang mga kumikislap sa malayong kalawakan,
Maging pagkainip walang maramdaman,
Habang iniintay ang gustong masaksihan.

Sa pagtagal ng panahon sa isip may tanong,
Hindi maintindihan paliwanag nila noon,
Ang bituin daw ay araw sa malayong nayon,
Ngunit masmalaki ang buwan kahit abutin man ng taon.

Sa sobrang liit gustong masilip,
Katangian nila kahit masikip,
Parang sumasayaw sa musika nakatakip,
Sumasabay sa tugtog at nagpapalit-palit

Maaaring maliit sa mga paningin,
Ngunit maraming katangiang angkin,
Kasing dami ng bilang nila sa papawirin,
Ang talentong taglay, pinagyayamang sapin-sapin.

Halos di makilala kung sino sila,
Sa sobrang layo, mahirap makilala,
Ang tunay na hugis mahirap makita,
Ngunit kanya kanya ang silbi nila.

Misteryoso masasabi ang tulad nila,
Ngunit sa kutitap pwedeng makita,
Sa liwanag at lamlam pwedeng madama,
Ang mga hinanakit at problema nila.

Kulay pula, kulay dilaw,
Kulay puti ang iba’y bughaw,
Malalaman daw kung sinong nangingibabaw,
Ngunit ilang taon lang sila rin ay pumamanaw.

Ginagamit sila ng mga kalalakihan,
Iniaalay na tunay sa nililigawan,
Pano kung ang bituin ay may katamlayan,
Pano magyayaman ang pag-ibig na tinuran.

Ano’t ano pa man bituin pinagpala,
Sapagkat marami ang sa kanila’y natutuwa,
Hingahan ng loob, at handang magpaubaya,
Gagawin ang lahat para problema’y mawala.

by Edson

Liwanag ng Buwan

Buwan


Sa kalawakan ay namamangha,
Sa kalangitan laging nakatulala,
Binibilang ang bituin na parang himala,
Bagamat mahirap laging humahanga.

Maliwanag na buwan, sa akin tumanglaw,
Kahit na madilim, ito ay malinaw,
Bagamat malinaw, kailanman ay ‘di nasilaw,
Sa laki at ganda, hindi napanglaw.

Habang lumalim ang gabing malamig,
Hindi nagsasawa sa kanyang pagtitig,
Sa pamamasid lalong lumalawig,
Hindi maiinip at hindi maligalig.

Ngunit sadya yatang lahat ay may katapusan,
Ang oras ay dumating upang pamamaalam,
Ang mahabang oras ay parang kanina lang,
Bahagyang nalungkot ngunit may natutunan.

Ang kaninang mataas, dahan-dahang bumababa,
Ang kaninang maliwanag, dahan-dahang nawawala,
Ang masayang mukha, dahan-dahang nabahala,
Sapagkat nawala ang magandang himala.

Katulad ng taong minsang umaangat,
Nakukuha ang gusto at lahat ay sapat,
Tagumpay sa taguktok sabi nila’y dapat,
Kapiling at hawak ang pangarap lahat-lahat.

Ngunit ang lahat ay may hangganan,
Lahat tumitigil at napapabayaan,
Ang tagumpay mo ngayon, baka bukas ay kawalan,
Kailangang alagaan at pagmalasakitan,

by Edson

Wednesday, August 11, 2010

Isang Tatay na OFW

Siguro napaka-swerte ng isang ama na may anak na lima… ano kaya iniisip nya pagwala syang magawa siguro iniisip nya ang bawat isa sa kanila… sasabihin nya... ang mga tulad nito…


“..yung panganay ko ‘bahagyang ngingiti ang ama’ ok naman sya kaya lang sana tuloy tuloy na ang pagbabago nya…kasi may dalawa na syang anak at matatalino pa… bibo at halatang sa paglaki nila ay hindi magpapatalo…”

“… yung aking pangalawa ‘buntong hininga’ gagayahin o tatalunin pa ata ako kasi sya na pinakamadaming anak sa magkakapatid hehehe tatlong cute na cute na tsikiting ang meron na sya hehehe…bagaman hindi nakatapos sinisikap naman nya na itaguyod ang pamilya nya…”

“… ang aking pangatlo naman ‘sabay iling’… naunahan ng pang-apat mag-asawa hahaha tatanda atang binata sobrang dami naman ng katextmate sustentado ko pa sa load hahaha… pero sana tinutulungan nya ang mama nya ngayon…“

“… ang pinaka nakakatuwa kong si pang-apat tinalo na nya ang pagiging makunat ko (kuripot sobra) hahaha… pati sa apo tinitipid ako dahil hanggang ngayon wala pa silang anak hahaha… pero masaya ako sa kanya sya lang ang nakatapos at may sarili bahay kahit hindi pa ganun kaginhawa… masasabi ko na hindi ko na sya kelangan alalahanin.. pero kuripot talaga hahaha”

“… at si bunso naman hahaha hay naku sobrang suplado di naman kagwapuhan pero… nakakatuwa na nakakaasar kasi lahat na ata ng course kinuha dahil hanggang ngayon di pa nakakatapos ng kolehiyo… shift ng shift ng course sana ngayon seryosohin na nya ang pagiging marine engineering na course hay”



“… ang mahal kong asawa na saludo ako sa pag-papalaki sa kanila… mahal na mahal ko sya… at samahan pa ng mga pogie, makukulit at bibong mga apo… “



“sana makasama ko na sila…”, hanggang sa hindi napigilan ng amang palitan ang tulo ng luha… matagal na kasi sya sa Saudi… “Panginoon sana makauwi na ako… ‘nagdadasal habang lumuluha’…”. “matanda na ako… kelangan ko na magpahinga pero pano…?”



Gustong gusto na ng Ama na makasama ang asawa nya, mga anak at mga apo…” hay hirap na talaga sila sa ibayong dagat… sana lahat ng anak na may mga magulang na OFW pahalagahan nila ang bawat sentimo na pinaghihirapan na mga magulang nila sa banyagang bansa… sana matuto sila sa buhay… dahil isa lang ang dahilan nila kaya sila tumatagal at nagtitiis sa hirap sa pagtatrabaho doon “Para mapaganda ang buhay nila”…



Salamat…