Buwan
Sa kalawakan ay namamangha,
Sa kalangitan laging nakatulala,
Binibilang ang bituin na parang himala,
Bagamat mahirap laging humahanga.
Maliwanag na buwan, sa akin tumanglaw,
Kahit na madilim, ito ay malinaw,
Bagamat malinaw, kailanman ay ‘di nasilaw,
Sa laki at ganda, hindi napanglaw.
Habang lumalim ang gabing malamig,
Hindi nagsasawa sa kanyang pagtitig,
Sa pamamasid lalong lumalawig,
Hindi maiinip at hindi maligalig.
Ngunit sadya yatang lahat ay may katapusan,
Ang oras ay dumating upang pamamaalam,
Ang mahabang oras ay parang kanina lang,
Bahagyang nalungkot ngunit may natutunan.
Ang kaninang mataas, dahan-dahang bumababa,
Ang kaninang maliwanag, dahan-dahang nawawala,
Ang masayang mukha, dahan-dahang nabahala,
Sapagkat nawala ang magandang himala.
Katulad ng taong minsang umaangat,
Nakukuha ang gusto at lahat ay sapat,
Tagumpay sa taguktok sabi nila’y dapat,
Kapiling at hawak ang pangarap lahat-lahat.
Ngunit ang lahat ay may hangganan,
Lahat tumitigil at napapabayaan,
Ang tagumpay mo ngayon, baka bukas ay kawalan,
Kailangang alagaan at pagmalasakitan,
by Edson
No comments:
Post a Comment