Bituin
Sa malawak na parang, nakahiga’t nagaabang,
Nang mga kumikislap sa malayong kalawakan,
Maging pagkainip walang maramdaman,
Habang iniintay ang gustong masaksihan.
Sa pagtagal ng panahon sa isip may tanong,
Hindi maintindihan paliwanag nila noon,
Ang bituin daw ay araw sa malayong nayon,
Ngunit masmalaki ang buwan kahit abutin man ng taon.
Sa sobrang liit gustong masilip,
Katangian nila kahit masikip,
Parang sumasayaw sa musika nakatakip,
Sumasabay sa tugtog at nagpapalit-palit
Maaaring maliit sa mga paningin,
Ngunit maraming katangiang angkin,
Kasing dami ng bilang nila sa papawirin,
Ang talentong taglay, pinagyayamang sapin-sapin.
Halos di makilala kung sino sila,
Sa sobrang layo, mahirap makilala,
Ang tunay na hugis mahirap makita,
Ngunit kanya kanya ang silbi nila.
Misteryoso masasabi ang tulad nila,
Ngunit sa kutitap pwedeng makita,
Sa liwanag at lamlam pwedeng madama,
Ang mga hinanakit at problema nila.
Kulay pula, kulay dilaw,
Kulay puti ang iba’y bughaw,
Malalaman daw kung sinong nangingibabaw,
Ngunit ilang taon lang sila rin ay pumamanaw.
Ginagamit sila ng mga kalalakihan,
Iniaalay na tunay sa nililigawan,
Pano kung ang bituin ay may katamlayan,
Pano magyayaman ang pag-ibig na tinuran.
Ano’t ano pa man bituin pinagpala,
Sapagkat marami ang sa kanila’y natutuwa,
Hingahan ng loob, at handang magpaubaya,
Gagawin ang lahat para problema’y mawala.
by Edson
No comments:
Post a Comment