Wednesday, August 11, 2010

Isang Tatay na OFW

Siguro napaka-swerte ng isang ama na may anak na lima… ano kaya iniisip nya pagwala syang magawa siguro iniisip nya ang bawat isa sa kanila… sasabihin nya... ang mga tulad nito…


“..yung panganay ko ‘bahagyang ngingiti ang ama’ ok naman sya kaya lang sana tuloy tuloy na ang pagbabago nya…kasi may dalawa na syang anak at matatalino pa… bibo at halatang sa paglaki nila ay hindi magpapatalo…”

“… yung aking pangalawa ‘buntong hininga’ gagayahin o tatalunin pa ata ako kasi sya na pinakamadaming anak sa magkakapatid hehehe tatlong cute na cute na tsikiting ang meron na sya hehehe…bagaman hindi nakatapos sinisikap naman nya na itaguyod ang pamilya nya…”

“… ang aking pangatlo naman ‘sabay iling’… naunahan ng pang-apat mag-asawa hahaha tatanda atang binata sobrang dami naman ng katextmate sustentado ko pa sa load hahaha… pero sana tinutulungan nya ang mama nya ngayon…“

“… ang pinaka nakakatuwa kong si pang-apat tinalo na nya ang pagiging makunat ko (kuripot sobra) hahaha… pati sa apo tinitipid ako dahil hanggang ngayon wala pa silang anak hahaha… pero masaya ako sa kanya sya lang ang nakatapos at may sarili bahay kahit hindi pa ganun kaginhawa… masasabi ko na hindi ko na sya kelangan alalahanin.. pero kuripot talaga hahaha”

“… at si bunso naman hahaha hay naku sobrang suplado di naman kagwapuhan pero… nakakatuwa na nakakaasar kasi lahat na ata ng course kinuha dahil hanggang ngayon di pa nakakatapos ng kolehiyo… shift ng shift ng course sana ngayon seryosohin na nya ang pagiging marine engineering na course hay”



“… ang mahal kong asawa na saludo ako sa pag-papalaki sa kanila… mahal na mahal ko sya… at samahan pa ng mga pogie, makukulit at bibong mga apo… “



“sana makasama ko na sila…”, hanggang sa hindi napigilan ng amang palitan ang tulo ng luha… matagal na kasi sya sa Saudi… “Panginoon sana makauwi na ako… ‘nagdadasal habang lumuluha’…”. “matanda na ako… kelangan ko na magpahinga pero pano…?”



Gustong gusto na ng Ama na makasama ang asawa nya, mga anak at mga apo…” hay hirap na talaga sila sa ibayong dagat… sana lahat ng anak na may mga magulang na OFW pahalagahan nila ang bawat sentimo na pinaghihirapan na mga magulang nila sa banyagang bansa… sana matuto sila sa buhay… dahil isa lang ang dahilan nila kaya sila tumatagal at nagtitiis sa hirap sa pagtatrabaho doon “Para mapaganda ang buhay nila”…



Salamat…

No comments:

Post a Comment